May 23, 2011

Unang Tapak sa Borawan at Dampalitan (Part 1)

May 22, 2011, Saturday 5:00AM. Jac Liner Buendia. Sa tabi lang 'to ng Buendia LRT Station. From Dian Palanan Makati, nilakad lang namin papuntang Jac Liner Station kasi wala pa masakyan sa Dian pag umaga. Dumaan din muna sa Seven Eleven para bumili ng hotdog sandwich, water at Minute Maid. Pag dating sa bus station, buti konti pa lang ang nakasakay at pwede pa kami mamili ng upuan. Syempre sa tabi me lagi ng bintana para makita lahat ng lugar na dadaanan. P209 ang pamasahe, mura lang ng konti sa expected ko na P214. Hindi ko na na napicturan yung mismong Jac Liner Station kasi nasa loob na kami ng bus. Nagcheck na lang me online at eto mismo yung bus station.
Jac Liner Buendia
5:00AM mismo umalis yung bus from Buendia Station. Nagbreak fast na lang kami sa bus ng hotdog sandwich na binili namin kanina sa 7-11. Puro tulog-gising lang ginawa ko sa bus. Dumaan ang bus ng Tiaong, San Pablo at Sariaya Quezon. Medyo matagal din yung byahe, inabot ng 3 hours. Mga 8am kami nakarating ng Lucena Grand Terminal. Sa Lucena Grand Terminal naman, okay lang ang dami ng tao. Ito mismo ang central terminal ng Lucena. Hinanap ko kagad yung bus papuntang Unisan. Nagcr muna ako dahil sa haba ng byahe, mahal mag cr dito P10 ba naman. Nagwiwi lang naman ako. Hayzt! Old style yung bus na sasakyan namin, gawa lang sa kahoy. May mga nakasakay na ding magpupunta ng Dampalitan. Hinintay din namin na mapuno bago umalis. P35 ang pamasahe. At Nagsnacks snacks lang din muna kami habang naghihintay.
Lucena Grand Terminal
Medyo matagal din ang hinintay namin kasi pinu-puno pa talaga yung bus. Naalala ko tuloy nung pumunta kami ng Masbate (Probinsya ni Tatay), mga grade 3 ako nun, ganitong-ganito ang sinasakyang bus na kahoy. Nang makaalis na yung bus, expected ko na  45 minutes yung byahe. Syempre nabasa ko sa blog ni "pinoyadventurista". Parang probinsiya na din, dumaan ba naman malapit sa mga bundok. At parang ang daming church ng Iglesia ni Kristo dito. May dinaanan ding "Gawad Kalinga" Housing. Ganda ng mga houses. May nakatabi kaming Ale. Nagtanong sya kung saan kami pupunta, siguro kasi nakita na may dala kaming tent. Sabi namin sa Borawan at Dampalitan po. Alam ng Ale yung lugar kasi taga dun din sya. Pwede daw kaming sumabay sa kanya para sumakay ng tricycle pero sabi ko sa "Vista Playa" po kami bababa. Hindi na din ako natulog sa mini bus kasi gusto ko nakikita yung mga dinadaanan para next time ma-rerecall ko. Ganito ang mga trip kong byahe, medyo malayuan at magaganda ang view sa labas. Kakarelax na din. At ilang minuto na din ang nagdaan, almost 1 hour ata. Bumaba yung mga papuntang Dampalitan sa tinatawag nilang "Bakery", bababa na din kami sana (excited?) pero nalaman namin na mamimili pa pala ang mga 'to. Bumaba na din si Ate paglagpas ng Bakery at 2 minutes na lang daw hihintayin namin bago makarating ng "Vista Playa". Salamat kay Ate. Hospitable talaga mga taga- quezon. Sya mismo ang nagsabi sa kundoktor na sa Vista Playa kami ibaba. Salamat Ate! Sandali na lang din yung hinintay namin at sumigaw na yung kundoktor ng, "Vista Playa!". Nagready na kami bumaba at makikita mo din pala yung "Vista Playa" signage sa harap ng restaurant nila. Sa side bago dumating ng mismong entrance ng Vista Playa, overlooking na din ang malawak na beach...nakaka-excite na din!
"Vista Playa"
Pagpasok ng Vista Playa, nagtanong na kagad kami kung magkano yung boat to Borawan & Dampalitan. Pero nagtext na ko sa kanila before kami magpunta at alam ko na P800. 
From Vista Playa Restaurant
Boats Available @ Vista Playa



Inside Vista Playa
Nagtry akong tumawad pero hindi talaga ako magaling sa ganun. Buti pa sila pinoyadventurista, P600 lang ang binayad, partida kasama pa dun yung "Kwebang Lampas". Pero last year pa yun (2010) so baka nagmahal na talaga ngayon kasi na feature na din 'to sa TV, sa "Kapuso Mo Jessica Soho" at may bago ng admin. Syempre andun na din kami so kumagat na ako. Dahil gutom na din kami at malulunch na din. Naglunch na lang kami sa resto nila. Hindi ko na din napicturan dahil sa gutom. Lol! Medyo mahal nga lang ang pagkain sa loob. Rice is P12. Fish according to sizes. Yung malaki na pinili namin, P60. Gulay (Adobong Baguio Beans) is P40. At nagtubig na lang kami. Kasi medyo mahal yung softdrinks nila. Pero may tindahan naman sa labas at pwede kayo bumili dun, mas mura. Sa Vista Playa pa lang, kelangan bilhin nyo na ang kelangan nyo kasi sa Borawan at Dampalitan, konti lang ang mabibili. Mas okay kung mamimili muna kayo sa tinatawag nilang "Bakery" which is 2 minutes away from Vista Playa. Nagpabili na din kami ng gas para sa lamp namin kasi wala ding ilaw sa Dampalitan.






Pagkatapos maglunch, nagbayad na kami ng fee for boat at entrance for Borawan at Dampalitan. At pinatawag na namin kay Ate yung maghahatid sa amin sa Borawan. Si Mang Tonio ang tagahatid namin. Sa Borawan muna kami nagpunta kasi mukhang maliit lang ang beach na 'to nung nakita ko sa mga blogs. Sa bangka pa lang makikita mo na yung mga islet (maliliit na island). Habang papalapit, mas nakakaexcite. Konting ingat din baka malaglag sa dagat yung dslr ko, pag nangyari yun, naku yari na! Expected ko na maliit na lugar lang ang Borawan kasi nakita ko na din sa mga blogs to. Parang tapyas sa gilid ng bundok. Pero gusto ko pa din maexplore yung white sand with corals nya.




At unti-unti nang nagfoform yung hitsura nya pag medyo malapit ka na. Hindi pa ko nakapunta ng Boracay at Palawan so atleast nakarating na ko sa dalawang lugar via Borawan. Makikita mo na ang mga rock formation na sabi nila katulad ng nasa Palawan. We'll see kung white sand nga sya pagkadaong ng bangka.


I. Ang Borawan.
Malalaking bato ang bubungad sayo pagkadaong ng bangka. Malinis pa yung place, virgin pa (ata) at hindi pa masyado naaabuso. Sana it will stay the same forever. May maliit na kubo sa gitna at doon mo makikilala yung caretaker ng Borawan. May entrance fee na P15 dito, pero nagbayad na kami sa Vista Playa pa lang so hindi na kami siningil. Medyo mainit nung makarating kami ng Borawan. Pagkadaong ng bangka, nagtanong si Mang Tonio kung anong oras kami magpapasundo sa kanya. Sa cp ko past 10am na so sabi ko mga 12pm na lng kasi madali lang naman malibot yung lugar kasi maliit lang. Pero dahil may ihahatid pa si Mang Tonio na ibang bisita, 1pm na lang nya kami susunduin. Nagsabi sya sa amin na mag-ingat sa pagswiswimming sa Borowan kasi walang net na pangharang. Okay lang naman po sabi ko kasi hindi naman kami dun magswiswimming kung di sa Dampalitan. Sinimulan na namin libutin ang isla ng Borawan. Halos puro bato nga makikita mo. White sand nga with corals, yung parang nasa aquarium. Madami ding mga nagcacamping dito. Nagset up sila ng mga tent sa gilid ng mga malalaking bato. May mini store at cr dito. Puro snacks nga lang mabibili mo, mineral water, softdrinks at red horse. At sinimulan na namin magpicture picture sa mga malalaking bato. 
Ang mga bato
Mini Store & CR
Parang yung nasa aquarium ko lang. Madami yan dun pero may multa (P2000 ata)if mahuhuli kang kumuha (if lang) Lol!






Ang daming ganitong bato dun. Pwede din mag wall climbing sa matataas na bato.
Nakipagusap kami sa mga bata about sa mga Salabay at Sea Horse habang naghihintay kay Mang Tonio
"Salabay" (Jelly Fish) at Baby Sea Horse
'Nga pala, puro Salabay dun kaya katakot magswimming. Kapag na touch ka ng color brown nyang tentacles, mahapdi tapos makati. Tapos mamumula. Ouch!
Mother Salabay and Baby Salabay. Pers tym ko makakita ni 'to, usually sa NatGeo ko lang napapanuod.
Mga Batang mahilig manguha ng Salabay at Sea Horse
Beach Camp on the Sea Shore
Si Mommy ayaw mangitim. Lol!
Medyo wala pang isang oras nalibot na namin ang buong Borawan. Medyo umulan ng sandali lang tapos mainit na naman. Naghintay na lang kami sa may kubo kasama yung mga caretaker. Nakapagkwentuhan ng konti. Pinanuod yung mga batang naliligo kasama yung stage mother nila na ayaw mangitim. Wish ko lang na di ma-salabay yung mga anak nya nagswiswimming. Lol! Madami na ding dumadating sa Borawan nun. Nagpipicture picture lang. Paikot ikot lang. May grupo din ng mga babae na nagpunta at bago bumaba ng bangka, nagsusunblock muna ng buong katawan. Hayun! mga mukhang espasol sila lahat. Ayaw talaga mangitim mga 'to. Parang nag chin chan su lang ah! Hahahaha! Sarap pag tripan. Lol! Bad ka! At dahil medyo nainip na kami, nagpatext na kami kay Ate na sunduin na kami ni Mang Tonio. Mga 12:30pm na yun. 




Konting minuto lang hinintay namin at dumating na si Mang Tonio. May hinatid din syang ibang pasahero. Hindi namin masyado naenjoy ang Borawan kasi madmi na ding tao at maliit lang ang place talaga. At aming nilisan na ang Borawan. Mas okay sana if konti lang ang tao mas maeenjoy mo yung place. Ito ang aming huling sulyap sa Borawan. Hindi ako masyadong nagexpect ng malaki sa place kasi nga nakita ko na to sa mag blogs pero experience pa din ito na di matatawaran. Di ba? At sumakay na nga kami ng bangka papuntang Dampalitan. Bye bye Borawan! See yah!


Next...Pers Tym Ko 'To!...part2!

2 komento:

  1. malapit sa katotohanan ang mga descriptions mo par. salamat. nagbabalak kasi ako umalis mag-isa. ang hirap magyakag e. hahaha.

    TumugonBurahin