May 25, 2011

Unang Tapak...Part 2!

II. Dampalitan


At Ito na nga ang huling sulyap namin sa Borawan. See you next time sana makapag beach camp kami dyan. Basta konti lang ang tao at madaming potable water na. Pers tym ko nga pala makakita ng salabay (jelly fish) at dito ko nakita sa Borawan yun. At umalis na nga kami ng Borawan, hatid ni Mang Tonio. Kaharap lng Borawan ang Dampalitan. Tinanong pa nga namin kung nasaan yun, makikita mo yung mahabang white na shoreline at yun ang Dampalitan. 
At syempre habang papalapit, nakaka-excite na din. Sa Dampalitan kasi kami magbebeach camp overnight. Sana di mapanis yung baon namin, kung hindi wala kami kakainin dun kundi chichirya. Hayzt!
Pagkadaong ng bangka sa Dampalitan, madami na din ang nakaset up na mga tents. May mga open cottages din. P300 ang rent sa cottage. P150 naman if magoovernight ka with your tent. May tindahan din sa gitna at dun mo makikilala yung caretaker ng Dampalitan. Inapproach kami ng isa sa mga caretakers at tinuro ang pwede naming pagpwestuhan ng tent. Medyo malapit sa cr pero okay lang kasi nasa tabi naman ng mga pine trees at malilim yung pwesto. Madami nga pala mga pine trees dun, parang sa Baguio lang. 










Ang Tent Namin
Mga Beach Campers
Pagka set up ng tent at pagkaligpit ng gamit sa loob. Pahinga muna ng konti, lagay lagay ng sunblock lotion kasi mainit. After 10 minutes, di na namin mapigilang magswimming at libutin ang buong Dampalitan. Heto yung mga shots ko from Dampalitan. Enjoy!




Puro Corals and White Sand din sa Dampalitan
"Patrick Star"(?)
"Sea Urchin" Pers tym ko makakita nito!
Another Jelly Fish
"Dory"(?) Where's Nemo?
Dampalitan's Right Side View 
Hayun yung nunal! Kaya pala Lakwatsero. Lol!
"A Nightmare on Dampalitan Shore"
High Tide pa nung hapon na nagswimming kami pero unti unti ng naglo-low tide. Nagenjoy kami libutin ang buong Dampalitan. Pwede ka pumunta sa likod nito sobrang lawak.
Papuntang likod ng Dampalitan
Dampalitan's  Back View
Footprints in Dampalitan's Sand
Ito pala nawawalang pares ng Shoes ko! What a small world!

Nauna ka pa saken dito?!! Amp!
"Pwede pang Aquarium pero bawal ipuslit"
Nang magdidilim na, syempre kelangan magbanlaw dahil medyo makati din ang tubig alat. Hindi libre ang fresh water sa Dampalitan same in Borawan. Kelangan mo magorder ng water container (P30) at pagbalde(20). Meron ding dram ng tubig pero di ko na tanong kung magkano P100+ yata. Dumadami na din ang mga insektong mahilig mangagat. Around 6PM, nagdinner na kami. Buti na lang ang di napanis yung baong kanin at 555 tuna namin. Pagkatapos kumain saka kami nagbanlaw. Pagkabanlaw, kelangan mo na maglagay ng insect repellant dahil pagiinitan ka ng mga inseckto na di ko alam kung lamok or what. Around 8PM, nagset up ng bonfire ang mga katabi naming campers at nakinuod na lang kami. Dahil biglaan ang trip na 'to, di kami nakapagdala ng matotoma. Coke at Mineral Water lang ang drinks namin. Medyo inaantok na din ako kasi gising ako lagi sa byahe. Around 9PM, natulog na ko.
Tanging Tanglaw sa Gabi
Our Bonfire
Medyo walang hangin nung gabing yun, kaya medyo nagigising-gising din ako. At medyo umambon din nun. Nauna ako syempre nagising kinaumagahan, around 6AM yun.  Hindi naman masyado malamig at di masyadong mainit. Sakto lang. Bumili muna ako ng kape sa styro cup sa may tindahan at kumain ng tinapay.  Sa ganitong oras din dumadating ang mga mangingisda para magbenta ng mga fish, pero isang bangka lang ang dumating para magbenta. Hindi ko kilala yung fish na binibenta nila kaya pinicturan ko na lang.
Umagang Kay Ganda
Di ko kilala ang Fish na 'to. Huli ng mga Mangingisda ng Dampalitan. For Sale!
Mga 8AM pa naman kami susunduin ni Mang Tonio kaya, sinulit na namin ang aming stay sa Dampalitan. Nagsimula na naman kami libutin ang lugar at magpicture-picture.  Masaya ang stay namin sa Dampalitan at sa Borawan din kahit sandali lang. Relaxing and peaceful ang place. Walang maingay at magulo. Malayo sa Manila, sa mga stress at sa normal na buhay.  Sana ganito na lang lagi. Bumili kaya ako ng beach resort someday? Hmmm....Baka tanda na ko nun. Makataya na lang sa lotto. 

Pagkarating ni Mang Tonio, nagpahintay muna kami ng sandali para maligo ng konti. Pagkaligpit ng mga gamit at tent, this is it. Bye bye Dampalitan na. Sulit naman at mura ang trip na 'to kesa sa ibang resort. 
At ito na nga ang huling sulyap namin sa Dampalitan. Thanks sa experience at sana next time uli! Hopefully same pa din ang Dampalitan someday pagbalik namin.

Hinatid na kami ni Mang Tonio pabalik ng Vista Playa. Sa Vista Playa na din kami nag lunch habang naghihintay ng mini bus pabalik sa Lucena Grand Terminal. Medyo matagal din ang hinintay namin. Konting picture picture muna sa Vista Playa Resto. 


Computation of Expenses:


Jacliner Buendia to LGT = P209 
Lucena Grand Terminal to Marao Padre Burgos= P35
Vista Playa
                  Bangka (To Borawan & Dampalitan) = P800
                  Borawan Entrance = P30
                  Dampalitan Entrance = P15
                  Overnight Tent = P150
                  Water Container & Balde = P30 + P20 = P50


From Vista Playa Marao Padre Burgos to LGT = P35
LGT to Jac Liner Buendia = P209


Total = P1533.00 >>>>  oh! di ba! san' ka pa?


FYI: Open Cottages in Dampalitan is P300. Pero di na kami nagcottage kasi may tent na kami.


I want to give credit to my idols in pinoyblogs: http://www.lakwatseradeprimera.com/ http://www.pinoyadventurista.com/ & http://www.pinaytraveljunkie.com/
              
'Til my next trip. 'Ge trip Tayo! Saan?